Monologue Script ( Drama, Horror and Comedy)

Drama Monologue

 

Kunin mo na ang lahat sa akin huwag lang ang aking mahal...


Ito ang linya ng kanta na dumurog sa puso ko. Pinagkatiwalaan kita at lahat ng meron ako ay hindi ko ipinagdamot sa'yo. Isang bagay lang ang pakiusap ko sa'yo diba? Na kahit kailan hindi ko kayang i-share sa'yo ang taong pinaka-mamahal ko. 

 

Hindi pa ba sapat ang lahat ng pagmamagandang loob ko sayo na pati ang taong mahal ko ay gusto mo ding ma'pa sayo? Alam mo pa kung anong mas masakit? Hindi lang siya ang nawala sa'kin kundi pati ikaw, ikaw na best friend ko!

 

 

Horror Monologue

 

(Creepy Voices)

 

Sino kayo?

Lumayo kayo sa akin!

Hindi, hindi tigilan niyo ako!

Hindi ako sasama sa inyo!

 

(Creepy Voices continues)

 

Tigilan niyo ako!

Hindi ako sasama sa inyo!

Tumigil kayo!

Layuan niyo ako. 


(Creepy Voices continues)

 

(Hinahabol ang hininga)

Buti' na lang panaginip lang pala

nakalimutan ko kasing manalangin.

 

 

Comedy Monologue

 

Noong nililigawan pa lang ako ng boyfriend ko ay binigyan niya ako ng napakalaking bouquet of roses. Syempre natuwa ako at sino ba ang hindi matutuwa sa regalong yun? Pero sinabi ko sa kaniya na, kung magpapatuloy siya sa panliligaw sa'kin ay hindi ko kailangan ng mga mamahaling regalo na hindi ko man lang makain or magamit mas okay sa akin 'yung mas praktikal. 

 

(Oahh sana all)

 

Sobrang masunurin siya dahil sumunod na buwan ay binigyan niya ako ng dalawang pirasong tinidor. Tinanong ko siya, bakit tinidor? Ang sagot niya sa akin, sa  susunod na buwan ulit ang kutsara naman tapos isusunod ko sa kutsara ang plato, oh di ba mura na praktikal pa di ba 'yun 'yung gusto mo? (insert laugh sound)

 



https://soundcloud.com/zelletalk/sets/monologue-dramahorror-and-comedy?si=f4c7e1aacd414f3c8591e4e669211917&utm_source=clipboard&utm_medium=text&utm_campaign=social_sharing 

 

 

 

 

 

 


Comments